Opisyal nang nagsimula ang panahon ng amihan o northeast monsoon, senyales na nalalapit na ang taglamig sa northern hemisphere at Christmas season.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), bagaman pumasok na ang amihan, sa northern Luzon pa lamang ito mararamdaman habang sa Disyembre ay inaasahang makararanas ng bahagyang pagbaba ng temperatura ang ilang bahagi ng bansa.
Noong Martes pa lamang anya ng tanghali ay naitala ang 10.8 degrees celsius na temperatura sa Burnham Park sa Baguio City at inaasahang magpapatuloy ito sa mga susunod na araw.
Magtatagal ang malamig na panahon hanggang Enero o Pebrero ng susunod na taon.
Samantala, posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw ang bagyong namataan sa silangan ng Luzon.
Sakaling pumasok sa PAR ang bagyo, tatawagin itong Marce.
By Drew Nacino