Hindi na makakaapekto sa presidential race ang tinaguriang “bombshell” na inilabas ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa kontrobersiyal na emails ni Democratic standard bearer Hillary Clinton.
Ito ang paniniwala ng mga political analysts sa Amerika.
Ayon mismo sa Republican Strategist na si John Weaver, ang inanunsyo ng FBI na panibagong imbestigasyon laban kay Clinton ay hindi na magpapabago sa kampanya sa White House kung saan pinapaborang manalo ang pambato ng Democrats.
Nagbabala rin ang mga analysts na hindi dapat magpakakampante ang Republicans kahit nasasangkot ngayon sa kontrobersiya si Clinton.
Nakapagbangko na kasi ang Democrats sa mataas na turnout sa early voting at apat na beses din na mas mataas kaysa Republicans ang kinuhang staff at volunteers ng Democrats para sa ground operations na layuning maghikayat ng mga botante para lumabas at bumoto sa araw ng halalan.
By Mariboy Ysibido
Photo by Ethan Miller/Getty Images)