Nalasap ng San Antonio Spurs ang kanilang unang pagkatalo sa 2016-2017 regular season ng NBA.
Inilampaso ng Utah Jazz sa score na 106-91 ang Spurs na isa sa pinakamalakas na team sa Western Conference Division.
Kumamada ng 30 points si Kawhi Leonard habang nag-ambag ng 22 points si George Hill para sa Utah Jazz.
Hawak na ng San Antonio ang kartadang 4 wins at 1 loss habang may tig-dalawang panalo at talo na ang Jazz sa Western Conference.
Ito ang unang regular season ng 5 time NBA champion na Spurs na wala si Tim Duncan na nagretiro noong Hunyo.
By Drew Nacino
Photo: Screengrab from USA Today Sports