Hawak pa rin ng Cebu ang titulong pinakamayamang probinsya sa buong bansa.
Base ito sa Commission on Audit 2015 Annual Financial Report for Local Government Units kung saan naitala ang halos 29 billion net worth ng probinsya.
Kinilala rin ang probinsya ng Cebu bilang pinakamayaman noong 2014 nang makapagtala ng 28. 181 bilyong net worth.
Sinundan ito ng Rizal na may 8. 11 billion net worth mula sa dating 6. 71 billion noong 2014.
Kasama rin sa listahan ng top 10 richest provinces ang Negros Occidental 5.6 billion pesos, Laguna 5 billion pesos, Negros Oriental 4. 96 billion, Pangasinan 4.76 billion, Cavite 4.59 billion, Batangas 4.5 billion, Leyte 4.45 billion at Pampanga 4.24 billion pesos.
Hinirang naman na pinakamayamang syudad sa bansa ang Quezon City dahil sa kita nitong pumalo sa 16. 365 billion noong 2015.
Kahanga-hanga rin na zero o wala nang utang ang syudad para sa mga loan grants na nakuha nito noong nakalipas na mga taon.
Pangalawang pinakamayamang syudad naman ang Makati City na sinundan ng Maynila.
Pumasok naman sa top 10 richest cities ang Cebu City at Davao City na tanging dalawang syudad sa labas ng Metro Manila na kabilang sa nasabing listahan.
By Rianne Briones