Tiniyak ng pamahalaang lokal ng Zambonga City na hahabulin pa rin nilang magkaroon ng hustisya ang mga naging biktima ng Zamboanga siege.
Pahayag ito ni Zamboanga City Mayor Isabelle Climaco-Salazar makaraang suspindihin ng korte ang paglilitis kay Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari upang makalahok sa peace talks.
Ayon kay Climaco-Salazar, ipinaliwanag naman sa kanila ni Presidential Peace Adviser Jesus Dureza ang mga kundisyon ng pansamantalang pagpapalaya kay Misuari.
Tinanggap anya nila ang pansamantalang pagpapalaya kay Misuari dahil ang katumbas naman nito ay ang kapayapaan sa buong Mindanao.
Bahagi ng pahayag ni Zamboanga City Mayor Isabelle Climaco-Salazar
Kasabay nito ay nilinaw ni Climaco-Salazar na tuluy-tuloy pa rin ang paglilitis sa mga kasamahan ni Misuari na nakakulong na sa kasalukuyan.
Paninindigan rin anya nila ang apela nila sa korte na huwag payagan ang anumang plea bargaining ageement na puwedeng pasukin ng Department of Justice (DOJ) sa mga akusado.
Bahagi ng pahayag ni Zamboanga City Mayor Isabelle Climaco-Salazar
“Ang sakit na nangyari sa kanila ay hindi mabubura”
Hindi pa tuluyang nakakabangon ang Zamboanga City mula sa pag-atake sa kanila ng Moro National Liberation Front (MNLF) noong September 2013.
Ayon kay Zamboanga City Mayor Isabelle Climaco-Salazar, 40 porsyento pa lamang ng mga nawasak na kabahayan dahil sa Zamboanga siege ang kanilang nakumpleto pagkaraan ng tatlong taon.
Binigyang diin ni Climaco na masyadong malalim ang sugat na iniwan ng pag-atake sa kanila ng MNLF kayat malabo na itong malimutan ng kanilang mamamayan.
Bahagi ng pahayag ni Zamboanga City Mayor Isabelle Climaco-Salazar
By Len Aguirre | Ratsada Balita