Walang plano sa ngayon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na magpadala ng barko sa Scarborough Shoal.
Ito’y kahit pa malaya na muling nakapangingisda doon ang mga Pilipinong mangingisda sa northern Luzon.
Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, oobserbahan muna nila ngayon ang sitwasyon sa Scarborough.
Ayaw muna anya nilang gumawa ng hakbang na makagugulo hanggat hindi pa nakabubuo ng isang maayos na kasunduan patungkol sa pinag-aagawang teritoryo.
Sinabi ni Padilla na dapat kalkulado ang lahat ng gagawing hakbang dahil lubhang sensitibo ang isyu na ito.
Sa ngayon, ayon kay Padilla, prayoridad muna nila na maibalik ang kabuhayan ng mga Pilipinong nangingisda sa Scarborough, bagay na nangyayari na anya ngayon.
By Len Aguirre