Inamin ngayon ng aktres na si Jodi Sta. Maria na minsan siyang naging alcoholic at gumamit pa ng droga.
Ito ay matapos ang hiwalayan nila noon ng dating asawang si Pampi Lacson.
Ayon sa aktres, hindi niya alam kung saan magsisimula noong mga panahong iyon at pakiramdam niya ay walang nagmamahal sa kanya dahil sa separada na siya na mistulang isang gamit na segunda mano.
Dahil dito, nalulong aniya siya sa alak kung saan umiinom siya araw gabi maging sa kanyang mga tapings.
Ito aniya ang kanyang paraan noon upang mawala ang sakit at pangungulila bunsod ng pakikipaghiwalay sa asawa.
Ngunit hindi aniya naging sapat ang pagkakalango sa alak kayat napunta aniya siya sa paggamit ng droga.
Sinabi ni Jodi na muli siyang nakabangon nang maimbitahan ng beteranong aktres na si Connie Reyes na magsimba.
Magmula aniya nang maging Christian ay tuluyan na niyang tinalikuran ang alkohol at droga.
By Ralph Obina