Niyanig ng Magnitude 6.4 na lindol ang Central Chile.
Ayon sa US geological survey, natunton ang sentro ng lindol sa layong 72 kilometro hilagang silangan ng Talca City.
Bagama’t may kalakasan ang lindol, nilinaw ng mga awtoridad na wala pa itong naitatalang injuries o malaking pinsala sa imprastraktura o mga minahan.
Inihayag din ng Chilean Navy na hindi sapat ang naturang pagyanig para makalikha ng tsunami sa mga baybayin.
By: Jelbert Perdez