Excited na ibinahagi ni Queen of All Media Kris Aquino ang kanyang pagbabalik telebisyon.
Ini-reveal ni Kris na matapos ang kanyang 7 buwang pagpapahinga magbabalik siya para sa once in a lifetime one-on-one interview kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Yes! Maghaharap at kakapanayamin ni Kris si Pangulong Digong na nakatakdang ipalabas sa TV-5 at PTV-4.
Magiging kapanapanabik ito para sa mga manonood na ngayon pa lang ay hinuhulaan na kung ano kayang mga tanong ang ibabato ni Kris sa Pangulo gayundin ang magiging reaksyon ng Pangulo.
Matatandaan na ilang buwan ding napahinga sa showbiz si Kris matapos na i-turn down ang offer ng ABS CBN at lumipat sa APT Entertainment ni Tony Tuviera kilalang may mga proyekto sa GMA-7.
By Rianne Briones
Photo: Screengrab from kriscaquino / Instagram