Ikakalat na ng DTI o Department of Trade and Industry ang kanilang SRP o Suggested Retail Price kaugnay sa mga noche buena items
Ipinabatid ito sa DWIZ ni DTI Undersecretary Ted Pascua matapos nilang makausap ang mga manufacturer ng noche buena items tulad ng pasta, fruit cocktail at queso de bola.
Sinabi ni Pascua na tiniyak naman ng manufacturers na hindi sila magtataas ng presyo subalit makakatulong ang SRP para maging batayan sa bibilhing pang-noche buena.
Bahagi ng pahayag ni DTI Undersecretary Ted Pascua
By Judith Larino | Balitang Todong Lakas