Hinimok ni Atty. Romulo Macalintal, ang Commission on Elections (COMELEC), na gumawa ng paraan para mapigilan ang mga epal na pulitiko.
Ayon kay Macalintal, bagamat hindi pa maaaring kasuhan ng maagang pangangampanya ang mga ito, maaari naman gumawa ng ibang paraan ang COMELEC.
“Patunayan natin na hindi tayo mga mang-mang na kayang kayang lokohin ng mga nasabing pulitiko. With due respect to the COMELEC, masyado namang very weak ang dating nila kapag sinabi na “Naku wala na kaming magagawa”, Bakit wala kayong magagawa? Be creative, use your imagination for the sake of the people.” Ani Macalintal.
Sinabi din ni Macalintal na nakahanda siyang tulungan ang mga grupo, na magnanais na sampahan ng kaso ang mga epal na pulitiko.
“Kailangan lang masampolan yan, ayoko lang na ma-accuse ako ng ambulance chaser, pero kung kailangan nilang tulungan ko sila para magawa ang dapat gawin, tutulungan ko sila, pero dapat nakahanda sila, walang urungan ito.” Paliwanag ni Macalintal.
By Katrina Valle | Kasangga Mo Ang Langit