Nakatakdang tumulak patungong Malaysia si Pangulong Rodrigo Duterte simula bukas, Nobyembre 9 hanggang sa araw ng Miyerkules hanggang Biyernes, Nobyembre 11.
Ito’y para sa dalawang araw na official visit sa nasabing bansa bilang bahagi ng kaniyang introductory visit sa mga bansa sa timog silangang Asya.
Bukod sa pakikipagpulong kay Malaysian Prime Minister Najib Razak sa Kuala Lumpur, inaasahan ding makikipag-usap ang Pangulo sa Filipino community doon.
Sa pre-departure briefing sa Malacañang kahapon, sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Assistant Secretary Charles Jose na tututukan sa pagbisita ng Pangulo sa Malaysia ay ang usapin ng seguridad at pagpapatatag sa relasyon ng dalawang bansa partikular na sa negosyo o kalakalan.
By Jaymark Dagala