Pinabulaanan ng abugado ni dating Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang mga kumakalat sa balita sa social media na patay na ang kanyang kliyente.
Ayon kay Atty. Rean Balisi, buhay ang dating senador at kinakailangan pang sumailalim sa ilan pang laboratory test.
Si Revilla ay isinugod sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City noong Sabado dahil sa pagsusuka at mataas na blood pressure.
Batay sa pinakahuling medical bulletin, na-diagnosed na may acute migraine headache, tenosynovitis sa kanyang kanang braso, reactive hypertension , esophagitis at non-erosive gastritis.
Si Revilla ay maaari nang makalabas ng ospital ngayong araw o bukas depende kung mangangailangan pa ito ng iba pang medical treatment.
Matatandaang nakadetine sa PNP Custodial Center si Revilla dahil sa kaso nitong plunder.
By Ralph Obina