Kinumpirma ng Philipine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagtaas ng antas ng kaso ng kidnap for ransom nitong nakalipas na mga buwan.
Ayon kay PNP-AKG Chief Senior Supt. Noli Ozaeta, apat na kaso ang naitala sa nakalipas na apat na buwan sa Binondo, Maynila na nadagdagan pa ng dalawa kamakailan lamang.
Aniya, karaniwang mga Chinese businessmen ang mga biktima ng kidnapping kung saan umaabot ang ransom demand mula lima hanggang dalawampung milyong piso.
Sa kabuuan, umaabot na sa 22 ang naitatalang kidnapping cases sa buong bansa.
Una nang sinabi ng Pangulong Digong na nag-shift na sa pangingidnap ang mga kriminal kasunod ng pagbaba ng suplay ng iligal na droga.
By Rianne Briones