Wala pa ring iniisyung travel ban ang Department Foreign Affairs (DFA) sa South Korea sa kabila nang tumataas na kaso ng MERS virus doon.
Ayon kay DFA Spokesman Charles Jose, maghihintay pa sila ng abiso mula sa WHO o World Health Organization kung kailangang magpatupad ng travel ban.
Gayunman, pinayuhan ni Jose ang publiko na maaaring ipagpaliban muna ang biyahe sa SoKor kung hindi naman urgent ang pakay doon.
Tiniyak ni Jose ang kahandaan ng bansa lalo na sa mga airport para salain ang mga mayroong sintomas ng MERS virus.
Tinatayang 55,000 Pilipino ang nasa South Korea.
By Judith Larino