Tila kinalimutan ng mayorya ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang makasaysayang People Power na tumapos sa diktaduryang Marcos.
Binigyang diin sa DWIZ ni dating Bayan Muna Partylist Representative Satur Ocampo na higit na nakakahigit sa pasya ng Korte Suprema ang pasya ng sambayanang Pilipino na nagpatalsik sa dating Pangulong Ferdinand Marcos sa puwesto noong February 1986.
Bukod dito, sinabi ni Ocampo na napatunayan sa mga pag aaral na pawang pineke lamang ang mga parangal at medalyang ibinigay sa dating Pangulo bilang sundalo.
Bahagi ng pahayag ni former Congressman Satur Ocampo
Mismong ang dating Pangulong Ferdinand Marcos ang naglabas ng kautusan hinggil sa pagturing na bayani sa mga sundalong binigyan ng medal of valor.
Ito ayon kay dating Bayan Muna Partylist Representative Satur Ocampo ang binigyang diin ng isang mahistrado ng Korte Suprema at nagpapahiwatig ito nang pagkilala sa dating pangulo na bayani matapos kilalaning medal of valor awardee.
Bahagi ng pahayag ni former Congressman Satur Ocampo
By Judith Larino | Ratsada Balita