Nag-crash umano ang website ng Canadian Immigration.
Ito’y sa gitna ng pangunguna at kalauna’y pagkapanalo ni Republican Candidate Donald Trump sa US Presidential elections.
Internal serve error ang lumabas sa naturang website nang sikaping i-access ng ilang user sa Canada, Asia, at Estados Unidos.
Una nang napaulat na may mga residente umano ang Estados Unidos ang nagsearch ng mga mapupuntahang ibang bansa bilang protesta sa pangunguna ni Trump sa halalan.
Samantala, ngayong nanalo na si Trump, nagbunyi naman ang mga taga-suporta nito.
By: Avee Devierte