Nais paimbestigahan ni Senadora Leila de Lima sa Senado ang mga proyektong napagkasunduan ng Pilipinas sa China.
Ito’y makaraang maiselyo ng Pangulong Rodrigo Duterte ang may 17 investment projects nang bumisita ito sa China kamakailan.
Ayon kay De Lima, kaduda-duda aniya ang mga nasabing proyekto lalo’t kuwestyunable ang mga Chinese companies na siyang hahawak sa naturang mga proyekto.
Gayunman, nilinaw ni De Lima na hindi niya hinaharang ang mga proyektong pang-ekonomiya ng Pangulo.
Nais lamang aniyang matiyak na magiging anomalya at walang batas na malalabag sa mga isasagawang proyekto.
By Jaymark Dagala