Balik-bansa na si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kanyang dalawang araw na official visit sa bansang Malaysia.
Dakong alas-3:50 kaninang madaling araw dumating sa Davao City International Airport ang Philippine Airlines Flight 001 kung saan nakasakay ang Pangulo kasama ang kanyang delegasyon.
Sa kanyang arrival speech, sinabi ng Pangulo na nagkasundo ang Pilipinas at Malaysia para palakasin ang ugnayang pang-seguridad bunsod ng mga naitatalang pagdukot ng bandidong Abu Sayyaf sa karatagang namamagitan sa dalawang bansa.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Baon din ng Pangulo mula sa kanyang pagbisita sa Malaysia ang malakas na ugnayang pang-ekonomiya ng dalawang bansa gayundin sa pamumuhunan at negosyo.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Peace in Mindanao
Mananatiling katuwang ng Pilipinas ang Malaysia sa pagsusulong ng mga hakbang upang makamit ang tunay na kapayapaan sa Mindanao.
Ito pa ang ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang kanyang dalawang araw na state visit sa Kuala Lumpur.
Sa kanyang arrival speech sa Davao City, sinabi ng Pangulo na patuloy na gagampanan ng Malaysia ang papel nito bilang kaagapay ng Pilipinas sa pag-unlad at paglago ng ekonomiya.
Ayon pa sa Punong Ehekutibo, nangako siya sa mga Malaysian businessmen na sakaling mag-invest ang mga ito sa bansa ay poprotektahan ng kanyang administrasyon ang kanilang negosyo.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Jaymark Dagala | Jelbert Perdez
Photo Credit: AFP