Hindi na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa labas ng PAR.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang tropical depression na may international name na Ma-on sa layong 3,310 kilometro.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot 65 kilometro kada oras at pabugsong nasa 80 kilometro bawat oras.
Mabagal na kumikilos ang bagyo na nasa anim na kilometro bawat oras sa direksyong pa-Kanluran.
Ipinabatid ng PAGASA na bukod sa hindi na ito papasok sa PAR, wala rin magiging epekto saan mang panig ng bansa ang naturang bagyo.
By Ralph Obina