Nabawi na ng Bangladesh Central Bank ng 15 milyong dolyar mula sa 81 milyong dolyar na ninakaw sa kanila ng mga hackers.
Matatandaan na ang pera ay isinoli ni casino junket operator Kim Wong at ng Eastern Hawaii Leisure Company.
Napag-alaman mula kay Bangladesh Ambassador to the Philippines na binilang nila mismo ang pera na nakalagay sa isang vault ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Isang team mula sa Bangladesh Central Bank ang nagtungo dito sa Pilipinas upang mabawi ang pera.
Matatandaan na ang 81 milyong dolyar na ninakaw ng mga hackers sa Bangladesh Central Bank ay pinadaan sa RCBC Jupiter Branch at ilan sa mga ito ay napunta sa kamay ni Wong.
By Len Aguirre