Apatnapu’t siyam (P49) na bilyong pisong halaga ng building fund ng Department of Education (DepEd) ang hindi nagagamit sa kabila ng kakulangan sa silid-aralan sa bansa.
Ito ang lumabas sa Joint Congressional Commitee sa ginagawa nitong pag-iimbestiga sa sobrang pagtitipid ng gobyerno na nagbunsod ng mabagal na paggalaw ng ekonomiya.
Sa naging pagdinig, kinondena ni Senator Chiz Escudero ang kabiguan ng DepEd na magbigay ng listahan sa kung saan ang mga bagong sites na planong pagtayuan ng mga bagong paaralan.
Inamin din ni Budget Secretary Butch Abad na lumalaking problema ang mabagal na pagkilos ng DepEd para sa konstruksyon ng mga silid-aralan.
By Rianne Briones