Pumanaw na sa edad na 81 ang batikang sports writer at analyst na si Ronnie Nathanielsz.
Binawian ng buhay si Nathanielsz sa San Francisco, California makaraang magpasya ang pamilya nito na tanggalin na ang life support nito kaninang madaling araw.
Ilang araw nang nasa intensive care unit si Nathanielsz matapos itong ma-cardiac arrest patungong Las Vegas.
Kabilang sana si Nathanielsz sa live coverage ng bakbakang Manny Pacquiao at Jesse Vargas ngunit habang patungo ng Las Vegas ay nakaramdam ito ng pananakip ng dibdib na humantong sa atake sa puso.
Si Nathanielsz ay kolumnista sa sports section ng Manila Standard Today at ng Philippine Daily Inquirer.
Kabilang din si Nathanielsz sa iba’t ibang sports promotion partikular saboksing.
Nagtrabaho din sa harap ng kamera si Nathanielsz bilang sports commentator sa Philippine Basketball Association mula 1980s hanggang early 1990s ngunit ang pagbabalita at pagbibigay ng analysis sa boksing ang naging daan upang siya ay mas lalong makilala at tumatak sa larangan ng palakasan.
By Ralph Obina