Pormal nang umupo sa kaniyang puwesto si Vice Admiral Ronald Joseph Mercado bilang bagong flag officer in command ng Philippine Navy.
Pinalitan ni Mercado na mula sa PMA class of 1983 ang nagretiro nang si Vice Admiral Cesar Taccad.
Pinangunahan kahapon ni AFP Chief of Staff General Ricardo visaya ang change of command and retirement ceremony sa Sangley Point sa Cavite.
Sa kasalukuyan, parehong hawak ni Mercado ang pagiging acting navy chief at pagiging commander ng Western Command na nakabase sa Palawan.
By: Jaymark Dagala