Kinumpirma ng Malacañang na tuloy ang biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Peru upang dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC Forum.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, nakatutok ang Pangulo sa pakikipagpulong sa iba’t ibang leader at dadalo sa mga aktibidad na inilatag ng APEC at gobyerno ng Peru.
Gayunman, maaari pa anyang magbago ang mga plano ng Pangulo lalo’t posibleng may mga aktibidad itong daluhan depende kung may mga kaganapan na mas mahalaga sa APEC Forum.
Una ng inihayag ni Duterte na hindi siya dadalo sa Asia Pacific Leaders Meeting ng APEC Summit sa Lima, Peru dahil sa napapagod siya sa napakahabang biyahe.
By Drew Nacino
Photo Credit: Presidential Photo