Magbibigay ang China ng aquaculture training para sa mangingisdang Pinoy na apektado ng territorial dispute sa Scarborough Shoal.
Sa pagbisita ni China Department of Fisheries Assistant Director Liu Sinchong sa Zambales, sinabi nitong mismong si Chinese President Xi Jinping ang nag-utos na magtungo ito sa lugar upang tumulong sa Pilipinong mangingisda.
Aniya, nakalipas ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang bansa dahil ngayon ay parang kapatid na ang turing ng China sa Pilipinas.
Ipinagmalaki ng opisyal na dadalhin sa China ang mga mangingisda para ituro sa mga ito ang fish growing technology ng China na siyang number one sa aquaculture technology sa mundo.
By Rianne Briones