Pinayuhan ni dating Four Division World Champion Juan Manuel Marquez si Senador Manny Pacquiao na kalimutan na ang nilulutong rematch kay undefeated world champion Floyd Mayweather, Jr.
Ito ayon kay Marquez ay dahil matatalo lamang tiyak si Pacman kapag ipinagpilitan pang makipagsabong muli kay Floyd Jr. sa susunod na taon.
Bagamat hindi naman maitatangging malakas si Pacquiao matapos talunin si Jessie Vargas, subalit sinabi ni Marquez na sadyang matatalo lamang ang Pambansang Kamao kay Mayweather.
Tinawag pang boring ni Marquez ang nilulutong Pacman-Mayweather rematch.
By Judith Larino