Ikinukunsidera na ng International Law Expert na si Harry Roque ang alok ni Vice President Jejomar Binay na mapabilang sa senatorial line-up ng United Nationalist Alliance o UNA sa 2016 elections.
Ayon kay Roque, kailangang magkaroon ang senado ng mga kwalipikadong miyembro at sakaling manalo siya ay patunay ito na maaari ring ihalal ang mga “common citizen,” law professor maging mga human rights advocate.
Kung nagawa aniya nina Senator Miriam Santiago at dating Senate President Jovito Salonga ay wala namang rason para hindi siya sumunod sa yapak ng mga kapwa abogado.
Tiniyak naman ni Roque na handa siya sa mga hamong maaari niyang kaharapin sa oras na mag-desisyon siya sa Oktubre.
By Drew Nacino