Bigo si Senadora Risa Hontiveros na makakuha ng suporta mula sa kanyang mga kapwa senador hinggil sa paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Ito’y makaraang mauwi sa basurahan ng senado ang sense of the senate resolution na inihain ni Hontiveros sa botong 8-6-6 matapos ang ginawang debate at botohan.
Kabilang sa mga bumoto pabor sa nasabing resolusyon sina Senate President Koko Pimentel, Senador Franklin Drilon, Leila de Lima, Bam Aquino, Joel Villanueva, Grace Poe, Kiko Pangilinan at si Hontiveros.
Kontra naman sa nasabing resolusyon sina Senador Richard Gordon, Manny Pacquiao, Gringo Honasan, Tito Sotto at Cynthia Villar habang abstain naman ang boto nila Senador Sonny Angara, Nancy Binay, Ralph Recto, Migs Zubiri, Chiz Escudero at Sherwin Gatchalian.
Sa ilalim ng senate rules, kailangang makuha ni Hontiveros ang mayorya o 11 mula sa 20 senador na dumalo sa sesyon kahapon.
By Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19)