Muling tinamaan ng malakas na lindol ang New Zealand.
Gayunman, nilinaw ng mga awtoridad na aftershock lamang ang naitalang magnitude 7.5 kahapon matapos ang magnitude 7.8 na tumama sa South Island.
Ayon kay New Zealand Prime Minister John Key, mas matindi kaysa inaasahan ang pinsala na idinulot ng pagyanig sa South Island kahapon kumpara noong 2011.
Patuloy anya ang assessment sa pinsalang idinulot ng pagyanig.
Pinalikas din ang mga mamamayan sa paligid ng Clarence River dahil sa flashflood matapos mapinsala ang dam.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: Reuters