Inaalam pa ng Department of Health (DOH) ang pagkakakilanlan ng mag-asawang Korean nationals na nagbakasyon muna sa Pilipinas bago nag-positibo sa MERS CoV.
Sumasailalim na sa quarantine ang mag-asawang Korean na pawang mga doktor matapos lagnatin ang lalaking doktor.
Ayon sa report, bumisita sa bansa ang mag-asawa para dumalo sa weekend holidays ng mga South Korean nationals na lumabag sa MERS-CoV quarantine sa naturang bansa.
Samantala, hindi kailangang ikansela ang biyahe pa-South Korea
Ito ang payo ng Department of Health sa mga tutulak pa SoKor sa gitna na rin nang pagtaas ng kaso ng MERS CoV sa nasabing bansa.
Sinabi ni Dr. Vito Roque, Jr., OIC ng DOH Epidemiology Bureau na kailangan lamang laging mag-ingat tulad nang paghuhugas lagi ng kamay bago kumain at bago hawakan ang mukha.
Maaari rin naman aniyang dumistansya ng isang metro sa mga nakakasalamuha sa South Korea at takpan ang bibig kung babahin.
By Judith Larino