Pursigido ang Kamara na ipasa bago mag-Pasko ang panukalang 2,000 peso pension hike ng mga retiradong miyembro ng Social Security System (SSS).
Una ng inaprubahan ang bill ng House Committee on Government Enterprises and Privatization na ipadadala naman sa plenaryo para sa deliberasyon.
Nilalaman ng report ang House Bill 18 o “an act mandating a two thousand peso across-the-board increase in the monthly pension with corresponding adjustment of the minimum monthly pension under the SSS.”
Ayon kay North Cotabato Representative Jesus Sacdalan, Chairman ng nasabing komite, maituturing ng pamasko sa mga retiradong SSS member ang dagdag pensyon.
Nagpasalamat naman si dating Bayan Muna Partylist Representative Neri Colmenares kay SSS Chairman Amado Valdez sa isinusulong nilang pension hike.
Si Colmenares ay isa sa mga author ng kahalintulad na panukalang batas sa 15th Congress.
By Drew Nacino