Kumbinsido ang Department of Justice (DOJ) na lulutang o mahuhuli na sa lalong madaling panahon si Ronnie Dayan, ang driver ni Senador Leila de Lima na sinasabing taga-kolekta niya ng drug money sa New Bilibid Prisons (NBP).
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, malaking tulong ang inilatag na 1 milyong pisong pabuya ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) para madakip si Dayan.
Wanted si Dayan sa bisa ng congressional warrant na inilabas ng House of Representatives matapos niyang hindi siputin ang imbestigasyon ng Kamara sa illegal drug trade sa NBP.
Bahagi ng pahayag ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre
Ipinahiwatig ni Aguirre na walang dapat ipag-alala si Dayan dahil bukas naman ang Department of Justice na kupkupin siya sa Witness Protection Program o WPP.
Bahagi ng pahayag ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre
“Kailangan siya ay buhay”
Samantala, buhay na Ronnie Dayan ang target ng VACC o Volunteers Against Crime and Corruption.
Ayon ito kay Atty. Ferdinand Topacio matapos ianunsyo ang 1 milyong pisong pabuya sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng dating driver bodyguard ni Senador Leila de Lima.
Sinabi sa DWIZ ni Topacio na uubra namang i-apply ang citizens arrest dahil may warrant si Dayan subalit mas mabuting sa awtoridad isumbong ang kinaroonan nito.
Bahagi ng pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio
By Len Aguirre | Ratsada Balita | Judith Larino | Karambola