Excited na si Pangulong Rodrigo Duterte na dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Forum sa Peru para makita si Russian President Vladimir Putin.
Kung sakaling makadalo si Putin sa APEC meeting, ito ang unang pagkakataon na magkikita sila ni Pangulong Duterte.
Kaugnay nito, ipinabatid ni Duterte na magkakaroon sila ng bilateral meeting ni Putin dahil hiniling niya ito.
Nakatakdang bumiyahe ang Presidente at ang delegasyon nito sa Peru bukas, Nobyembre 17.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)