Iniimbestigahan na ng Department of Energy ang power interruption sa malaking bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila kagabi.
Batay sa inisyal na impormasyong nakuha ng DOE bumagsak ang 15 porsyento ng kabuuang power load sa Luzon kayat nagkaruon ng interruption.
Kabilang sa mga pumalyang planta ang Sta. Rita, San Lorenzo, San Roque, QPPL, San Gabriel, GN Power, Limay at Bacman.
Sinabi ni Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella na pinagsusumite na nila ng paliwanag ang power generators kaugnay sa nangyaring power interruption.
By: Judith Larino