Tila nakumbinse naman ni Court of Appeals Justice Japar Dimaampao ang mga miyembro ng Judicial and Bar Council o JBC nang sumalang ito sa panayam.
Ayon sa ilang source ng DWIZ mula sa JBC, kumpiyansang mapipili ni Pangulong Rodrigo Duterte si Dimaampao dahil sa karanasan at kaalaman nito sa tax at commercial law.
Naniniwala rin ang ilang miyembro ng JBC na kailangan ng Korte Suprema si Dimaampao dahil bukod sa mga ini-akda nitong aklat hinggil sa mga itinatadhana ng Tripoli Agreement, original at expanded ARMM law, posibleng kumatawan din si Dimaampao para sa mga Muslim sa high tribunal .
Samantala, kabilang din sa mga naisalang sa panayam ng JBC sina Sandiganbayan Justice Samuel Martires, DOJ Chief State Counsel Ricardo Paras III at Court of Appeals Associate Justice Noel Tijam.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo