Nababahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtaas ng kaso ng child abuse sa bansa.
Ito’y matapos makarating sa Pangulo ang masaklap na sinapit ng dalawang taong gulang na bata sa Davao na namatay dahil sa pambubugbog ng tiyuhin at asawa nito at hindi na umabot sa ospital.
Ang bata ay inihabilin ng kanyang isa sa pinsan at asawa nito dahil nagtrabaho ito sa Gitnang Silangan.
Sinabi ng Pangulong Duterte na nakakabagabag ang nangyari sa bata dahil hindi nito maipagtanggol ang sarili at namatay sa malupit na paraan at kapabayaan kaya’t dapat na maaksyunan ito.
Tiniyak ng Punong Ehekutibo na tututukan niya ang isyu pagbalik sa bansa mula sa biyahe sa Peru at kakausapin ang mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)