Pinalawig pa ng Department of Justice (DOJ) ang deadline sa pagsusumite ng ikalawang bahagi ng report ukol sa madugong Mamasapano encounter na ikinasawi ng 44 na miyembro ng PNP Special Action Force noong Enero.
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, binibigyan niya ng hanggang susunod na buwan ang DOJ panel na maibigay ang resulta ng second part ng kanilang report.
Una rito, binigyan ni de Lima ng hanggang Hunyo ang DOJ panel na kinabibilangan ng National Bureau of Investigation at National Prosecution Service para ibigay ang resulta ng kanilang imbestigasyon.
Sinabi de Lima na pagtutuunan ng naturang second report kung sino ang responsable sa pagkamatay ng siyam na miyembro ng 84th SAF company.
By Ralph Obina