Pormal nang tinapos ni Pope francIs ang kanyang limang araw na apostolic visit sa Pilipinas.
Pinangunahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang informal na send-off ceremony para sa Santo Papa sa Villamor Air Base.
Dakong alas-10:00 kanina ay tumulak na ito patungong Roma.
Umaasa naman ang milyun-milyong Pinoy na muling bibisita sa bansa si Pope Francis sa mga susunod na taon.
PABAON NG MGA PINOY
Dasal at pasasalamat ang pabaon ng mga Pilipino kay Pope Francis sa pag-alis nito sa bansa pabalik ng Roma, Italya.
Gaya ng inaasahan, libu-libong mananampalataya ang nag-abang sa Santo Papa nang umalis ito ng Apostolic Nunciature kaninang umaga.
Hanggang sa paliparan ay dagsa rin ang mga tao para masulyapan sa huling pagkakataon ang pinakamataas na lider ng Iglesia Katolika.–J. Perdez