Mariing itinanggi ni Senadora Leila De Lima ang mga alegasyong siya ng protektor at nagpopondo sa Abu Sayyaf Group.
Ayon sa senadora, ang naturang paratang ay tinawag ng kalokohan at malaking kabaliwan.
Naniniwala si De Lima na ang kasalukuyang administrasyon ang nasa likod ng mga akusasyong ito na bahagi ng patuloy na pagkilos umano upang siraiin ang kanyang reputasyon.
Sinabi ni De Lima na patunay lamang ito na kayang magpakababa nang husto ng administrasyon at umabot sa ganuong lebel para lamang sirain siya sa publiko.
Una rito, lumabas ang pangalan ni De Lima kasama ni Sulu Vice Governor Abdusakur Tan at tatlong iba pa na umano’y silang nagpalabas ng pera para sa paglaya ng mga bandidong sina Mohammad Sali Said, Jul Ahmad Ahadi at Robin Sahiyal na responsible sa pambobomba sa Patikul, Sulu nuong 2009.
By Ralph Obina