Binalaan ni Senadora Leila de Lima ang drug lord ng Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa kaugnay sa kaniyang gagawing pagharap sa pagdinig ng Senado sa Miyerkules.
Bagama’t aminado si De Lima na hindi niya batid kung ano ang mga sasabihin ni Espinosa sa pagdinig, sinabi nito na hindi batayan ng pagiging ligtas sa anumang panganib ang pakikipagtulungan sa mga pulis.
Pahaging pa ng Senadora, posibleng matulad si Kerwin sa sinapit ng high profile inmate na si Jaybee Sebastian gayundin sa ama mismo ni Kerwin na ang pumanaw na Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr.
Gayunman, inaasahan na ni De Lima na posibleng gamitin si Kerwin para idiin siya sa malawakang operasyon ng iligal na droga sa bansa lalo’t lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na numero uno ang Senadora sa listahan ng mga tumatanggap ng payola mula sa droga.
By: Jaymark Dagala / Mariboy Ysibido