Hindi pipigilan ng Malakanyang ang ikinakasang Black Friday protest ng mga Anti-Marcos group sa Nobyembre 25.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na malaya ang sinuman na makapaghayag ng kanilang sentimyento, basta tiyakin lamang na hindi makapagdulot ng perwisyo sa ibang Pilipino ang kanilang demonstrasyon.
Idinagdag pa ni Andanar na maaaring gamitin ng mga demonstrador ang Freedom of Assembly basta matiyak na magiging mapayapa ang gagawing kilos protesta at hindi makapagdudulot ng perwisyo sa taumbayan.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping