Natagpuang patay ang singer-comedian na si Blakdyak sa loob ng kanyang bahay sa Sampaloc, Maynila Bandang Alas-7:00 ng gabi.
Nakabalot ng plastik ang ulo at walang damit pang itaas ang biktimang si Blakdyak o Joseph Formoran Amoto sa tunay na buhay.
Hindi pa malaman ng mga otoridad kung may kinalaman sa iligal na droga ang pagkamatay ng singer-comedian.
Nakilala si Blakdyak sa novelty hits na “sana kunin ka na ni Lord”, “modelong charing”, “noon at ngayon”, at “asin at paminta”.
By: Meann Tanbio / Jopel Pelenio