Umaasa si Senador Leila de Lima na bibigyan ng tamang pagtrato ng mga kinauukulan si Ronnie Dayan.
Ganito rin ang panawagan ni De Lima sa Pangulong Rodrigo Duterte para sa iba pang tetestigo laban sa kanya tulad ni Kerwin Espinosa.
Iginiit ni De Lima na siya naman talaga ang habol ng gobyerno sabay giit na huwag nang pahirapan pa, kriminal man o hindi, ang ginagamit para tumestigo laban sa kanya.
Apela ng Senadora, huwag nang gawing drama ang paninira sa kanya, isampa na lamang ang kaso sa husgado at ito ay kanyang haharapin.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno