Sa kabila ng pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong may trabaho, nananatili pa ring pinakamataas ang unemployment rate o bilang ng mga walang trabaho ang National Capital Region o NCR.
Batay pa rin sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority o PSA nitong Abril, nagtala ito ng 9.3 percent na unemployment rate na mas mataas kaysa sa national employment rate na 6.4 percent.
Sinundan ito ng rehiyon ng Ilocos na nakapagtala ng 8.4 percent; Central Luzon 8 percent at CALABARZON 7.9 percent.
Batay sa nasabing tala, 63.1 percent dito o karamihan sa mga walang trabaho sa mga nabanggit na lugar ay mga lalaki.
By Jaymark Dagala