Inalmahan at binatikos ni Senadora Leila de Lima ang panibagong pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isasama nito sa kanyang ‘kill list’ ang mga human rights advocate sakaling lumala ang problema ng droga sa bansa.
Ayon kay De Lima na dating Chairman ng Commission on Human Rights (CHR), hindi dapat ituring na biro lamang sa halip ay dapat seryosohin ang banta na ito ng Pangulo ng bansa.
Giit ni De Lima, hindi dapat hinahayaan ang Pangulo na magbantang papatayin ang mga human rights advocates sabay pagliligtas sa sarili na kakalas ang Pilipinas sa International Cirminal Court o ICC.
Sa huli, nanindigan si De Lima na kailangan nang matapos sa lalong madaling panahon ang impunity sa pananalita gayundin sa gawa ng Pangulo at magagawa lamang ito sa pagsusulong ng kung ano ang tama para sa bayan.
By Jaymark Dagala