Muling nagpaalala sa publiko ang Department of Social Welfare and Development o DSWD laban sa mga nanghihingi ng limos sa kalsada.
Ayon sa DSWD, inaasahan na ang pagdami ng mga nanlilimos sa mga panahong ito lalo’t papalapit na ang Pasko at Bagong Taon.
Binigyang diin pa ng ahensya na may batas na mahigpit na nagbabawal sa pagbibigay ng limos sa mga pulubi sa dahilang may tamang paraan ng pagtulong sa mga iyon.
Payo ng DSWD sa publiko, ipagbigay-alam lamang sa kanila kung saan maraming nanlilimos upang madala agad nila ang mga ito sa mga institusyong kumakalinga sa mga tulad nila.
By Jaymark Dagala