Pumanaw na ang beteranang aktres na si Lolita Rodriguez sa edad na 81.
Binawian ng buhay si Lolita o Dolores Marquez Clark sa Hemet, California sa Amerika, noong Martes dahil sa heart attack.
Kabilang si Lolita sa mga artista ng Sampaguita Pictures na sumikat noong Dekada 50.
Kabilang sa mga pinagbidahan ng Fil-Am na aktres ang mga pelikulang Jack and Jill noong 1955 kasama si Dolphy at Rogelio dela Rosa, Tinimbang Ka Ngunit Kulang noong 1974 sa direksyon ni Lino Brocha at Ina Ka ng Anak Mo noong 1986 kasama si Nora Aunor kung saan nasungkit ni Lolita ang Gawad Urian Best Actress Award.
By Drew Nacino
Photo: Lolita Rodriguez in a scene from the award-winning 'Tinimbang Ka Ngunit Kulang'