Nakiusap si Senior Superintendent Dionardo Carlos, tagapagsalita ng Pambansang Pulisya sa publiko na maging mapagmatyag at makipagtulungan sa awtoridad.
Ayon kay Carlos, ito ang pinaka-epektibong paraan para malabanan ang mga tangkang pag-atake ng mga terorista.
Bahagi ng pahayag ni PNP Spokesman Senior Supt. Dionardo Carlos
Tiniyak din ni Carlos na tatalima sa batas ang law enforcement agencies sa kanilang gagawing raid at checkpoints at walang dapat ikatakot ang mga inosenteng tao.
Bahagi ng pahayag ni PNP Spokesman Senior Supt. Dionardo Carlos
Ronnie Dayan
Samantala, tiniyak naman ni Carlos, tagapagsalita ng Pambansang Pulisya na nasa ligtas na lugar si Ronnie Dayan, ang dating bodyguard / driver ni Senator Leila de Lima.
Sinabi ni Carlos na mahalaga ang kaligtasan ni Dayan para malaman ang pangalan ng iba pang sangkot sa operasyon ng iligal na droga.
Una nang inilipat sa Crame si Dayan mula sa safehouse sa Pangasinan.
Bahagi ng pahayag ni PNP Spokesman Senior Supt. Dionardo Carlos
By Katrina Valle | Ratsada Balita