Hinimok ng mga lokal na opisyal ng Butig, Lanao Del Sur si Pangulong Rodrigo Duterte na magdeploy ng mga sundalo sa bayan upang maiwasan ang paghahasik muli ng kaguluhan ng Maute Group o Dawlah Islamiya.
Ayon kay Lanao Del Sur Vice Governor Mamintal Adiong, nangangamba ang mga alkalde sa kanilang lalawigan sa posibleng pagresbak ng mga bandido bilang ganti sa pagkamatay sa military operations ng kanilang mga kasamahan.
Kailangan anya nila sa ngayon ay malaking bilang ng mga sundalong 24 oras na magbibigay proteksyon sa mga komunidad.
Samantala, mino-monitor na ng local government ang isang Islamic school sa Marawi City na pinaghihinalaang humihimok sa mga estudyante sa na sumali sa Maute Group.
Ito’y makaraang mapag-alaman na mahigit 50 estudyante ng nasabing paaralan ang absent habang mainit ang bakbakan ng militar at bandidong grupo sa Butig.
By: Drew Nacino